Sweetest Mom ❤️

Mi I love you. ❤️ Sana hinintay mo yung birthday ko. Malapit na eh.

Parang dati lang pagkakagaling kong school dederetso agad ako sa kwarto nyo para sabihin kung anong nangyare sa araw na yun tapos bigla kang matatawa kase may ginawa nanaman akong kabaliwan. Ikaw ang unang tumatawa kapag nagjojoke ako o may sinasabi akong kabaliwan pati yung sinabi mo dati na makita mo lang mukha ko natatawa ka na. Ikaw lang Mi ang nakakaalam kung sino sino ang mga nanligaw saken. Minsan ikaw pa mas kinikilig kapag nagsesend sila ng sweet words.

Pero tumigil lahat yun nung dinala ka sa hospital. Nagpaalam pa ko sayo nun mi kase duty na ko sa ojt ko. Okay ka pa nun kase ngumiti ka pa saken bago ako umalis. Tapos bigla kong malalaman na nasa Er ka na. Pagdating ko ng Er napaiyak agad ako kase dun ko lang nakita kung gaano ka na kapayat. Hinawakan ko agad yung kamay mo mi. Hindi ko malabas ng todo yung iyak ko kase baka marinig mo ko. Alam ko kase ayaw mong umiiyak ako kase iiyak ka din kaya pinigilan ko sarili ko.

Ang pinakanaalala ko sa lahat yung lately lang na nangyare. Yung nagtawag ka para iabot sayo yung ipad tapos bigla mo kong nginitian pagkaabot ko sayo nung ipad. Hindi ko makalimutan yung ngiting yun kase yun na yung last na smile mo saken. Ang cute mo pa naman ngumiti mi. Tsaka yung pumunta ako sa kwarto para ipakita na ilalike ko lahat ng pinost mo sa ig tapos tuwang tuwa ka kase sunod sunod kong nilalike. Ganun kita kamahal mi ilalike ko lahat kahit ilan pa yan.

Minsan naiinggit ako sa kaklase ko kapag nakikita kong nagdedate sila ng mami niya. Namiss ko kase yung nagtatrabaho ka pa. Dinadala mo kami sa office after nun magshashopping tayo para bumili ng barbie. Pero sabi ko sa sarili ko na okay lang yun atleast kasama ka pa din namin.

Nung sinabi saken ni dadi na maghanda na daw ako para sa kalagayan mo mi, hindi ko mapigilang umiyak. Ikaw lang mi talaga ang pinakaclose ko sa lahat bago si dadi. Ikaw nagturo saken magluto. Ikaw nagturo saken ng gawaing bahay. Ikaw nagintroduce saken kung ano meron sa John 3:16.

Mi sorry kung makulit ako kapag nakain tayo. Lagi kang hinahapo kase nagpapatawa ako. Gusto lang naman kitang pasayahin. Alam mo naman na baliw ako. Sorry Mi kase yung camote na gustong gusto mong ipaluto hindi ko niluluto kase tinatamad ako. Sorry. Nalungkot ako nung nalungkot ka kase tinanong kita kung bakit ka nagpost sa ig ko. Kaya sinabi ko na hindi ko na idedelete tapos bigla ka nang ngumiti kaya okay na saken yun.

Mamimiss ko yung napakacute mong ngiti. Pati yung pagkukwento ko sayo ng mga nangyayare saken, yung pagchat mo samin ng “I love you”, yung bonding natin sa panunuod ng kdrama tsaka sa pagsupport saken kapag sinasabe ko sayo na hindi ko kayang gawin yung isang bagay. Hinahangaan pa naman kita kase ang talino mo mi. Naaastigan pa naman ako sayo mi kase ang dami mong alam na words. Ang sinasabi mo lang saken lagi na magbasa ako ng mga books para dumami yung kaalaman kong words kase dun ka rin natuto. Mamimiss ko lahat ng mga utos mo saken lalo na sa pagpicture ng mga magagandang bagay. Plano ko pa naman pagkagraduate ko ng college na isama kayo ni dadi sa korea para naman maramdaman nyo yung saya na nararamdaman ko kapag nagtatravel. Sayang.

Thank you sa lahat ng tinuro mo samin mi. Thank you sa happy memories na binigay mo samin at sa pagiging sweetest mom ever. Thank you kase hanggang sa huli inalagaan mo pa din kami. Minahal mo pa din kami kahit minsan hindi namin nasusunod yung gusto mo. Pero alam ko namang naiintindihan mo kami at alam kong naparating namin sayo na mahal na mahal ka namin. Thank you for being my mom. Alam kong kailangan mo nang magpahinga. Salamat sa lahat mi. I LOVE YOU SO MUCH ❤️ AND I WILL MISS YOU BADLY 😘

IMG_4627

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s